Programang Pamamahala ng Paggamit (Utilization Management o UM) ng PHC Pinangangasiwaan ng Programang Pamamahala ng Paggamit ("UM") ng PHC ang lahat ng Referral Authorization Forms (RAF's) at Treatment Authorization Requests (TAR's). Ginagamit ng iyong primary care provider ang RAF upang isangguni ka sa isang espesyalista para sa isa o mas marami pang pagpapatingin. Gumagamit ang mga provider ng serbisyong pangkalusugan ng isang TAR upang makakuha ng paunang pag-apruba ng PHC para sa ilang operasyon, wheelchair, at iba pang serbisyo. Kailangang maaprubahan muna ang mga serbisyong pangkalusugan na ito ng PHC para sa kinakailangang medikal. Sinasagot ng PHC ang mga TAR sa loob ng limang araw na may trabaho maliban kung mas marami pang impormasyon ang kailangan. Kung hindi naaprubahan ang isang TAR, makakatanggap ka ng sulat. Maaari kang mag-file ng isang karaingan o isang Patas na Pagdinig ng Estado kung tinanggihan ang iyong TAR at hindi ka sumasang-ayon sa desisyon. Kung mayroon kang mga tanong, tumawag sa Member Services department ng PHC sa (800) 863-4155. Pangangalaga na Tama para sa Iyo Nais ng Partnership HealthPlan of California na matanggap mo ang pangangalagang iyong kailangan. Nakabatay lamang ang mga desisyong ginagawa ng mga Tagasuri ng Paggamit ng PHC sa pagiging angkop ng pangangalaga o serbisyo. Nangangahulugan ang Pagsusuri ng Pagggamit na sinusuri ng HealtPlan ang pangangalaga na inyong nakuha o maaaring makuha. Hindi nagbabayad ang HealthPlan para sa sinumang indibidwal na sangkot sa proseso ng Pagsusuri ng Paggamit upang tanggihan ang pangangalaga o mga serbisyo sa aming mga miyembro. Hindi hinihikayat o nag-aalok ng mga insentibo ang PHC para tanggihan ang pangangalaga. |