Kung kailangan mo ng pangangalaga para sa kalusugan ng pag-isip, maaari kang matingnan ng isang tagapagbigay ng kalusugan ng pag-iisip na nakikipagtulungan sa Partnership anumang oras nang hindi na kailangang isangguni. Maaari mong hilingin sa iyong doktor na isangguni ka sa isang espesyalista sa kalusugan ng pag-iisip. Maaari ka ring tumawag sa Carelon Behavioral Health sa (855) 765-9703 o tumawag sa amin sa (800) 863-4155, Lunes – Biyernes, 8 a.m. – 5 p.m. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 735-2929 o 711. Nakikipagtulungan ang Partnership sa Carelon Behavioral Health para maibigay sa iyo ang mga serbisyong ito.
Binabayaran para sa iyo ng Partnership ang mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip kung nakakaranas ka ng banayad hanggang katamtamang pagkabalisa, o mayroon kang karamdaman kaugnay ng iyong pag-iisip, emosyon, o pag-uugali. Maaaring kasama sa mga serbisyo ang:
Psychotherapy (terapiya sa pamamagitan ng pag-uusap na maaaring ibigay sa iyo nang mag-isa o bilang bahagi ng grupo)
Psychological na pagsusuri (mga pagsusuri sa kalusugan ng pag-iisip upang makita kung anong uri ng mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-isip ang mayroon ka)
Psychiatry (pagbisita sa isang espesyalista sa kalusugan ng pag-iisip na maaaring mag-diagnose ng mga kundisyon at magreseta ng gamot)
Cognitive na terapiya (mga pagsasanay na tumutulong sa iyo na mapabuti ang pansin, memorya, at paglutas ng problema)
Mga serbisyong sisigurado na nakakatulong sa iyo ang iyong gamot
Mga serbisyo sa lab para sa outpatient
Mga gamot para sa outpatient na hindi saklaw ng benepisyo ng Medi-Cal Rx. Tingnan ang www.medi-calrx.dhcs.ca.gov/home para matuto pa.
Terapiya para sa pamilya kasama ng hindi bababa sa 2 kamag-anak. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ng terapiya para sa pamilya ang:
Terapiya para sa anak at magulang para sa mga edad na 0 hanggang 5 taong gulang (mga pagbisita upang matulungan ang mga magulang/tagapag-alaga na pagandahin ang relasyon nila sa kanilang mga sanggol o ibsan ang stress)
Interaktibong terapiya para sa magulang at anak para sa mga edad na 2 hanggang 12 taong gulang (mga pagbisita upang matulungan ang mga magulang/tagapag-alaga at mga anak nila na may problema sa kanilang mga emosyon o pag-uugali)
Cognitive-behavioral na terapiya para sa magkarelasyon na nasa hustong gulang (mga pagbisita ng mga magkarelasyon)
Kung ipapakita ng iyong mga pagbisita para sa kalusugan ng pag-iisip na kailangan mo ng espesyal na pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip, maaaring isangguni ka ng iyong doktor o tagapagbigay ng kalusugan ng pag-iisip sa plano sa kalusugan ng pag-iisip ng county para matanggap mo ang pangangalagang kailangan mo.