Mga Serbisyo ng Parmasya

Tingnan ang Seksyon 4 sa iyong Handbook para malaman ang tungkol sa coverage sa Inireresetang Gamot.

Naghahandog ang Medi-Cal ng mga serbisyo ng parmasya bilang isa sa maraming benepisyo ng programa. Simula Enero 1, 2022, ibibigay ang benepisyo ng iyong botika sa pamamagitan ng Department of Health Care Services (DHCS) sa halip na Partnership HealthPlan of California. Sasaklawin ng Medi-Cal Rx ang mga gamot na inirereseta sa iyo. Magbasa Pa

Maaari mong tawagan ang serbisyo sa customer ng Medi-Cal Rx sa (800) 977-2273, 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, o 711 para sa mga gumagamit ng TTY.

Makakakita ka ng listahan ng mga parmasyang nakikipagtulungan sa Medi-Cal Rx sa Direktoryo ng Parmasya ng
Medi-Cal Rx sa
medi-calrx.dhcs.ca.gov/home/.


Medi-Cal Rx: Benepisyo sa Parmasya

Ang Medi-Cal ang iyong provider ng benepisyo sa botika, hindi ang Partnership HealthPlan of California. Ang benepisyo sa botika ng Medi-Cal ay tinatawag na Medi-Cal Rx. Ang Medi-Cal Rx ang nagpapasya kung aling mga gamot at kung gaano karami ang sasaklawin.

Maaaring mangailangan ka ng pag-apruba (Kahilingan sa Pahintulot sa Paggamot o Treatment Authorization Request, TAR) para masaklaw ang ilang gamot. Nakikipagtulungan sa Medi-Cal ang Medi-Cal Rx para suriin at aprubahan ang mga TAR. Kung hindi sakop ng Medi-Cal Rx ang iyong mga gamot, magpapadala ang iyong doktor o botika ng mga TAR sa supplier ng Medi-Cal Rx o customer service center ng Medi-Cal Rx.

Maaari kang tumawag sa customer service center ng Medi-Cal Rx anumang oras sa (800) 977-2273. Masasagot nila ang iyong mga tanong at malulutas ang anumang problema mo sa pagkuha ng iyong mga gamot sa botika. Kung may problema ka sa pag-abot sa customer service center ng Medi-Cal Rx o kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring tawagan ang Partnership sa (800) 863-4155, Lunes – Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m. 


"Medical Drug Benefit" ng Partnership

Malamang na nakukuha mo ang karamihan sa iyong mga iniresetang gamot sa isang botika. Maaaring nakukuha mo ang ilang gamot sa tanggapan ng iyong doktor o ospital. Saklaw ng benepisyo sa medikal na gamot ng Partnership HealthPlan of California ang mga gamot na nakukuha mo sa tanggapan ng doktor o ospital. Sinasaklaw ng Medi-Cal Rx ang mga gamot na nakukuha mo sa botika.

Nagpapasya ang Partnership kung aling mga gamut at kung gaano karami sa bawat gamot ang saklaw ng benepisyo sa medikal na gamot. Sinusuri ng Partnership ang Mga Kahilingan sa Pahintulot sa Paggamot para sa mga gamot na ito.

Kung mayroon kang anumang tanong o gusto ng kopya ng kung ano ang kailangan ng Partnership para masaklaw ang mga gamot na nakukuha mo sa tanggapan ng iyong doktor at ospital, mangyaring tawagan kami sa (800) 863-4155.

Makikita mo ang mga update at pagbabago sa benepisyo sa gamot sa botika at para sa therapy (Pharmacy & Therapeutics, P&T) sa webpage ng mga update sa benepisyo sa gamot. Ipo-post ang mga update nang 4 na beses bawat taon sa http://www.partnershiphp.org/Providers/Pharmacy/Pages/PT-Formulary-Changes.aspx.

Makikita mo ang webpage ng mga listahan ng sinasaklaw na gamot ng Partnership sa http://www.partnershiphp.org/Providers/Pharmacy/Pages/Formularies.aspx.

Sa page na ito, makikita mo ang: (1) Mga pagbabago sa mga gamot na kinukuha mo sa tanggapan ng iyong doktor, sa klinika o ospital; (2) listahan ng mga medikal na gamot na sinasaklaw ng Medi-Cal; at (3) mga listahan ng gamot na sinasaklaw ng Medi-Cal Rx ng Estado.

Makikita mo ang mga kahilingan sa pahintulot sa paggamot para sa parehong mga medikal na gamut ng Partnership at mga gamot sa botika ng Medi-Cal Rx sa http://www.partnershiphp.org/Providers/Pharmacy/Pages/Prior-Authorization-Forms.aspx.


Paano Papupunuan ang mga Reseta

Kung mayroon kayong reseta na kailangang mapunan, dapat ninyo itong dalhin sa isa sa mga parmasya na nasa listahan ng parmasya na ipinadala sa inyo ng PHC. Kung wala kayo ng kopyang ipinadala namin sa inyo, makakakuha kayo ng kopya ng aming mga kinontratang parmasya mula sa seksiyon ng web site na ito na pinamagatang "mga direktoryo ng provider" o maaari ninyong tawagan ang Member Services Department ng PHC.

Pagpupuno sa inyong reseta

Hindi kayo kailanman dapat magbayad para sa isang reseta na sakop at medikal na kinakailangan. Kung nagkakaproblema kayo sa pagkuha ng reseta o kinakailangan ninyong magbayad para sa isang reseta, dapat kayong tumawag kaagad sa aming Member Services Department. Ang numero ng aming telepono ay (800) 863-4155.

Sinasakop lang ng PHC ang mga branded na gamot kapag walang makukuhang katumbas na generic na gamot. Gayunman, kung mayroong medikal na dahilan kung bakit ang isang generic na gamot ay hindi magagamit, dapat isumite sa PHC ang kahilingan para sa pahintulot na isinasaad ang medikal na dahilan.

Nasa ibaba ang ilang tip upang mapunan ang mga reseta nang mas mabilis at madali:

• Palaging ipakita ang lahat ng inyong health insurance card, kabilang ang inyong PHC ID card at Medi-Cal card.

• Maghanap ng isang parmasya na gusto ninyo at kung maaari papunan doon ang inyong mga reseta.

• Makinig at sundin ang mga tagubilin ng parmasyutiko kung gaano kadalas dapat ninyong inumin ang inyong gamot.

• Tawagan nang maaga ang inyong parmasya kapag kailangan ninyo ng pagpuno. Huwag hintayin na maubusan kayo ng gamot. Dapat kayong tumawag kapag naubos na ang 75% ng inyong reseta.

  • Impormasyon sa Ligtas na Pamamahala sa Pananakit para sa mga Miyembro, mag-click dito

Kung mayroon kayong problema sa pagpuno ng inyong resetang gamot, dapat kayong:

• Humiling na makausap ang pinunong parmasyutiko o tagapamahala ng parmasya.

• Tawagan ang aming Members Services Department ng PHC sa (800) 863-4155.

 

 

Mga Serbisyo ng Parmasya –

Nag-iingat ang PHC ng isang listahan ng mga gamot na tinatawag na "Pormularyo ng Gamot." Nagpupulong ang Parmasya ng PHC at Therapeutics Committee tuwing ika-tatlong buwan upang repasuhin at baguhin ang pormularyo. Ang mga gamot ay sinusuri at pinipili para sa pormularyo batay sa kaligtasan, kalidad, bisa at pagiging abot-kaya. Sa ilang kaso maaaring piliin ng inyong doktor na magreseta ng isang gamot na wala sa pormularyo. Upang masakop ang gamot na ito, dapat kumuha ang inyong doktor ng PHC form ng pag-apruba bago mapunan ang inyong reseta.

Kung nais ninyo ng kopya ng Pormularyo ng Gamot ng PHC, maaari kayong makipag-ugnayan sa Member Services Department ng PHC. Makikita rin ang pormularyo sa web site.

​Botika - Pag-oorder sa Koreo Paghahatid sa Bahay

Gustong padaliin ng PHC ang pagkuha ninyo ng inyong mga resetang gamot. Sa pag-oorder sa koreo at paghahatid sa bahay na serbisyo ng Alliance Rx, Walgreens Prime, maaari ninyong ipahatid sa bahay o sa ibang lugar na sasabihin ninyo sa amin ang hanggang sa tatlong buwan ng sakop na mga generic na maintenance na gamot. Ang mga maintenance na gamot ay para sa hindi gumagaling-galing o matagalang mga problema sa kalusugan tulad ng mataas na kolesterol, diabetes, mataas na presyon ng dugo at pangkontrol ng pagbubuntis. 

Ang ilan sa mga benepisyo ng serbisyong pag-oorder sa koreo at paghahatid sa bahay ay kinabibilangan ng: 

    • 24/7 na Telepono para sa Payo ng Parmasista
    • Mas kaunti ang panganib na maubusan o makaligtaan ang isang dosis ng inyong resetang gamot
    • Libreng karaniwang pagpapadala
    • Awtomatikong Pagre-refill Online
    • Tingnan ang katayuan ng inyong order na gamot

Madali lang ang magsimula. Tawagan ang Alliance Rx Walgreens Prime (800) 345-1985, TTY: (800) 573-1833, para sa karagdagang detalye.