Maaaring magsaayos ng transportasyong hindi medikal para sa iyo kung hindi ka nangangailangan ng karagdagang tulong mula sa driver. Available ang mga NMT na serbisyo kapag pinatunayan mong wala kang ibang paraan upang makarating sa iyong mga serbisyong saklaw ng Medi-Cal.
Maaari kang makakuha ng mga NMT na serbisyo para sa mga sumusunod na dahilan:
- Walang balidong lisensya sa pagmamaneho
- Walang gumaganang sasakyan sa sambahayan
- Hindi makabiyahe o makapaghintay para lang sa mga serbisyong medikal o para sa ngipin
- Limitasyon sa katawan, kaalaman, pag-iisip, o pag unlad
Ang mga uri ng NMT ay maaaring pampasaherong kotse, taxi, bus, tren, o iba pang pampublikong transportasyon. Nakabatay ito sa pinakamurang paraan ng transportasyon na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan. Kasama sa coverage ang mga gastusin sa transportasyon para sa miyembro at isang attendant tulad ng magulang, tagapag-alaga, o asawa. Tumawag nang hindi bababa sa 5 araw bago ang iyong appointment para sa mga NMT na serbisyo.