Available ang Member Services Department ng PHC Lunes - Biyernes, 8 a.m. - 5 p.m. Maaari ninyo kaming tawagan sa 800 863-4155. Naririto ang Mga Kinatawan ng Member Services upang sagutin ang inyong mga tanong tungkol sa PHC at tulungan kayo sa anumang mga problema na maaaring may kaugnayan sa inyong medikal na pangangalaga.
Nasa ibaba ang mga halimbawa kung kailan dapat kayong tumawag sa Member Services Department ng PHC kung kayo ay:
Gustong lumipat sa isang bagong primary care provider
Tumatanggap ng isang bayarin para sa medikal na pangangalaga
Kailangan ng bagong ID card ng PHC
Nais magsampa ng apela o reklamo tungkol sa PHC, inyong medikal na pangangalaga, o inyong medical provider
May anumang mga tanong tungkol sa PHC o sa mga serbisyong ibinibigay ng PHC
May problema sa pagkuha ng medikal na appointment
May problema sa pagpupuno ng inireresetang gamot
Nagbayad para sa gamot at/o isang co-pay
Mga Serbisyong Pagsasaling Wika
Magagamit ang mga serbisyo ng maraming wika at mga serbisyo para sa pandinig, pagsasalita at para sa mga miyembrong may malabong paningin sa pamamagitan ng Member Services Department ng PHC. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga serbisyong ito, tawagan ang aming Member Services Department o sumangguni sa mga seksiyong may aangkop na pamagat sa website na ito para sa karagdagang impormasyon