Mga Karapatan at Responsibilidad ng Wellness and Recovery

​Ano-ano ang Aking mga Karapatan Bilang Tumatanggap ng mga Serbisyong DMC-ODS?
Bilang isang tao na karapat-dapat para sa programang W&R ng PHC, mayroon kayong karapatan na makatanggap ng kinakailangan dala ng medikal na kalagayan na mga serbisyong paggamot sa SUD mula sa amin. Mayroon kayong karapatan na:

• Magamot nang may paggalang, nagbibigay ng angkop na konsiderasyon sa inyong karapatan sa pagkapribado at ang pangangailangan na mapanatili ang pagiging kumpidensyal ng inyong medikal na impormasyon.

• Makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga magagamit na pagpipilian na paggamot at mga alternatibo, ipinahayag sa paraang angkop sa kondisyon ng Miyembro at kakayahang makaintindi.

• Sumali sa mga desisyon tungkol sa pangangalaga sa inyong SUD, kabilang ang karapatan na tanggihan ang paggamot.

• Tumanggap ng napapanahong akses sa pangangalaga, kabilang ang mga serbisyong magagamit nang 24 na oras kada araw, 7 araw kada linggo, kapag kinakailangan dala ng medikal na kalagayan na gamutin ang isang kondisyong pang-emergency o isang agaran o kritikal na kondisyon.

• Tumanggap ng impormasyon sa handbook na ito tungkol sa mga serbisyong paggamot sa SUD na saklaw namin at iba pang obligasyon ng programang W&R at ang inyong mga karapatan ay inilalarawan dito.

• Maprotektahan ang inyong kumpidensyal na impormasyon ng kalusugan.

• Humiling at tumanggap ng kopya ng inyong mga medikal na rekord, at humiling na ang mga ito ay baguhin o itama ayon sa tinutukoy sa 45 CFR §164.524 at 164.526.

  • Tumanggap ng nakasulat na babasahin sa mga alternatibong format (kabilang ang Braille, malalaking naka-print na letra, at audio) kapag hiniling at sa tamang panahon na angkop para sa format na hinihiling.

• Tumanggap ng mga serbisyong sinasalita ng interpreter para sa inyong mas gustong wika.

• Tumanggap ng mga serbisyong paggamot sa SUD mula sa amin na sumusunod sa mga kinakailangan ng kontrata sa Estado sa mga larangan ng pagiging nagagamit ng mga serbisyo, pagtiyak ng sapat na kapasidad at mga serbisyo, koordinasyon at pagpapatuloy ng pangangalaga, at pagsaklaw at awtorisasyon ng mga serbisyo.

• Iakses ang mga Serbisyong Pahintulot sa Menor-de-edad, kung kayo ay isang menor-de-edad.

• Iakses ang mga serbisyong kinakailangan dala ng medikal na kalagayan na wala sa network sa tamang panahon, kung ang PHC ay walang nakakontratang provider na makakapagkaloob ng mga serbisyo. Nangangahulugan ang "provider na wala sa network" na isang provider na wala sa aming listahan ng mga provider. Dapat naming tiyakin na hindi kayo nagbabayad ng anumang dagdag na bayad sa pagpapatingin sa isang provider na wala sa network. Maaari ninyong kontakin ang Care Coordination sa (800) 809-1350, TTY (800) 735-2929 o 711 para sa impormasyon tungkol sa kung paano matatanggap ang mga serbisyo mula sa isang provider na wala sa network.

• Humiling ng pangalawang opinyon mula sa isang kuwalipikadong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan sa loob ng network ng W&R ng PHC, o isang nasa labas ng network, nang wala kayong babayaran.

• Magsampa ng mga karaingan, alinman sa berbal o sa pagsulat, tungkol sa organisasyon o sa pangangalagang natanggap.

• Humiling ng apela, alinman sa berbal o sa pagsulat, sa pagtanggap ng Abiso ng Salungat na Pagpapasya sa Benepisyo.

• Humiling ng Patas na Pagdinig ng Estado, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga pangyayari na kung saan ang pinabilis na Patas na Pagdinig ng Estado ay posible.

• Maging malaya mula sa anumang anyo ng pagpigil o pagbubukod na ginagamit bilang isang paraan ng pamimilit, disiplina, kaginhawahan, o paghihiganti.

• Maging malaya na gamitin ang mga karapatang ito nang hindi naaapektuhan nang masama ang kung paano namin kayo tinatrato, ng mga provider, o ng Estado.

Ano-ano ang Aking mga Responsibilidad Bilang Tumatanggap ng mga Serbisyo ng DMC-ODS?

Bilang tumatanggap ng programang W&R ng PHC, serbisyo ng DMC-ODS, responsibilidad ninyo na:

• Basahing mabuti ang mga babasahing nagbibigay ng impormasyon sa miyembro na inyong natanggap mula sa amin. Matutulungan kayo ng mga babasahing ito na maintindihan kung ano-anong serbisyo ang magagamit at kung paano kumuha ng paggamot kung kailangan ninyo ito.

• Puntahan ang inyong paggamot ayon sa nakaiskedyul. Magkakaroon kayo ng pinakamahusay na resulta kung susundin ninyo ang inyong plano ng paggamot. Kung kailangan ninyong ipagpaliban ang inyong appointment, tumawag sa inyong provider nang hindi bababa sa 24 na oras nang maaga at muling magpaiskedyul sa ibang araw at oras.

• Laging dalhin ang inyong card ng Medi-Cal at PHC at ang ID na may larawan kapag nagpapagamot kayo.

• Ipabatid sa inyong provider kung kailangan ninyo ng isang interpreter bago ang inyong appointment.

• Sabihin sa inyong provider ang lahat ng inyong mga alalahaning medikal upang maging tumpak ang inyong plano. Sa pagbabahagi ng mas maraming kumpletong impormasyon tungkol sa inyong mga pangangailangan, mas magiging matagumpay ang paggamot sa inyo.

• Tiyakin na itanong sa inyong provider ang anumang tanong na mayroon kayo. Mahalaga na ganap ninyong naiintindihan ang inyong plano ng paggamot at anumang iba pang impormasyon na inyong natatanggap sa panahon ng paggamot.

• Sundin ang plano ng paggamot na napagkasunduan ninyo at ng inyong provider.

• Maging handang bumuo ng matatag na relasyon ng pakikipagtulungan sa provider na gumagamot sa inyo.

• Kontakin kami kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa mga serbisyo o kung mayroon kayong anumang problema sa inyong provider na hindi ninyo nalutas.

• Sabihin sa inyong provider at sa amin kung mayroon kayong anumang pagbabago sa inyong personal na impormasyon. Kabilang dito ang address, numero ng telepono, at anumang iba pang medikal na impormasyon na makakaapekto sa inyong kakayahan na sumali sa paggamot.

• Tratuhin ang tauhan na nagkakaloob ng paggamot sa inyo nang may paggalang at kagandahang-loob.

Kung naghihinala kayo ng pandaraya o maling gawain, isumbong ito. Compliance Hotline ng PHC sa (800) 601-2146. 24 na oras kada araw, 7 araw kada linggo.